Magkatuwang na inihain ng mag-inang mambabatas na sina Camarines Sur Rep Diosdado Arroyo at Pampanga Rep Gloria Macapagal-Arroyo ang panukalang HB01224 o ang Corporate Social Responsibility Act of 2010 na naglalayong itatag sa mga lokal at dayuhan na korporasyon ang pag-ako ng responsilbidad sa pamayanan at kalikasan, sa ikauunlad ng ekonomiya.
Ayon sa mga mambabatas, marami umano sa mga korporasyon at establisiyemento ngayon ang walang malasakit sa kanilang kapaligiran at walang pakialam sa pamayanan kung saan ay nakatayo ang kanilang mga negosyo bagkos sariling interes at malaking kita lamang ang mahalaga sa kanila at hindi alintana ang epekto ng kanilang negosyo sa mga mamimili, empleyado, kasosyo, pamayanan at kalikasan kung kaya at sila ay nagtatanong kung nasaan na umano ang kanilang mga konsensya.
Sinabi ng mga Arroyo na nararapat na makipag-ugnayan at makipagtulungan ang pamahalaan sa lahat ng ahensya para maisulong at maitatag ang corporate social responsibility sa lahat ng mga nagnenegosyo sa bansa.