Wednesday, October 06, 2010

Department of Information and Communications Technology, itatatag

Aprubado na sa dalawang komite sa Kamara ang pinag-isang panukala na magtatatag sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ayon kay Zamboanga del Norte Rep Cesar Jalosjos, chairman ng committee on government reorganization.

Ang panukala ay dapat sanang naging batas na noong ika-14 na Kongreso subalit hindi na ito napagtibay kayat muli itong inihain sa ika-15ng Kongreso nina Camarines Sur Rep Luis R. Villafuerte, may akda ng HB00064 at Aurora Rep Edgardo Angara, may akda naman ng HB00498.

Ayon kay Taguig Rep Sigfrido Tinga, chairman ng committee on information communications technology, ang pagtatatag ng DICT ay kinakailangan umano upang mapamahalaan ang pagpaplano, paglalatag ng polisiya at pagpapairal ng mga patakaran para maisulong ang maunlad na teknolohiya o ICT sa buong bansa at maisama bilang isa sa pangunahing programa ng pamahalaan.