Wednesday, April 07, 2010

Programa sa pagtitipid sa tubig, itaguyod

Pagsasanib puwersa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Science and Technology (DOST), sa utos ng Kongreso upang bumalangkas at magsaliksik ng programa na magtataguyod sa paggamit at pagtitipid ng tubig.

Ito ang iminungkahi ni Camarines Sur Rep Diosdado “Dato” Arroyo at kanyang sinabi na kasama sa pagsasaliksik ang makabagong teknolohiya at proseso upang maisaayos ang koleksyon, pag-iimbak, paggamit sa tubig-ulan at pamamahagi nito.

Ayon kay Arroyo, kailangang umanong maturuan ang mga komunidad upang makamit natin ang tamang paggamit at pagtitipid sa tubig.

Nais din ni Arroyo na magamit ang tubig na galing sa poso para sa paglalaba, pahuhugas ng pinggan at pampaligo.

Nababahala ang kongresista sa pagsira ng kalikasan dahil sa banta ng pagbabago ng panahon. Kailangang kumilos ng Kongreso upang pagaangin ang epekto nito, dagdag pa ni Arroyo.

Kaya, huwag sana tayong paglaruan ng panahon dahil sa kasalukuyang kaganapan sa ating daigdig, nababahala ang lahat sa epekto ng global warming o ang pagbabago ng panahon at ang banta ng El NiƱo phenomenon o tagtuyot.