Magtanim ng mga punong kahoy at mga gulay sa kalungsungsuran at kanayunan at sa lahat ng dako ng bansa. Ito ang ipag-uutos sa mga mamamayan upang maprutektahan ang ating mga likas na yaman na maubos.
Sinabi ni partylist Rep Godofredo Arquiza, may pangangailangan umanong magpasa ng batas na magsalba sa ating kasalukuyang kapaligiran sa kalamidad kagaya ng pagbaha at upang mahadlangan ang pinsala sa buhay, ari-arian at kaligtasan.
Ayon kay Arquiza, hindi maitulak ang mataas na kalidad ng buhay ng tao hanggang hindi natin mapangalagaan ang estado ng ating kasalukuyang kapiligiran.
Idinagdag pa ng mambabatas na nararamdaman na ng mundo ngayon ang tinatawag na climate change kaya mahalaga na ang likas na kayamanan ng bansang Pilipinas ay maprotektahan at mapanatiling maayos.
Sa kanyamg inihaing panukala, lahat nang mga mamamayang naninirahan sa siyudad na nagmamay-ari ng hindi bababa sa dalawang daang metro kuwadradong bakanteng lote ay dapat na mag-allocate ng dalawampung prosiyento ditto sa lupang ito para taniman ng mga punong kahoy at gulay at ganun na rin sa kanayunan.
Ang mga lokal na pamahalaan ang aatasang mangasiwa, pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources o DENR, para sa ganap na pagpapatupad ng naturang probisyon sa sandaling ang panukalang ito ay maisabatas na.