Ipinanukala sa Mababang Kapulungan ang pagtatatag ng National Flood Management Commission na naglalayong magpatupad ng mga batas na may kinalaman sa pag-sasaayos at solusyon sa pagbabaha sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Party-list Rep Narciso Santiago, layunin ng komisyon maitatatag sa bisa ng panukalang ito na makabuo ng mga short at long-term program na naglalayong bigyang solusyon ang pagbabaha sa bansa.
Ayon sa kanya, isa ang Pilipinas sa madalas na biktima ng malalakas na bagyo na nagiging sanhi ng pagkalugi ng sektor ng agrikultura, pagkawala ng mga pananim, kagamitan at ari-arian, kabilang na ang buhay.
Nito lamang nakaraang taon, dagdag pa ni Santiago, ay iniulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) na humigit-kumulang sa P10.45 bilyong piso ang halaga ang nasalanta nang bayuhin ng bayong ‘Ondoy’ ang kalakhang Maynila at ilang kalapit na probinsiya.
Ito, aniya, ay dahil na rin sa ang Pilipinas ay kabilang sa tinaguriang regional hot spot na kadalasang binabayo ng bagyo, malalakas na pag-ulan, pagkasira at unti-unting pagkawala ng mga dalampasigan dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng dagat at riparian flooding.
Magsagawa ng mga pag-aaral at obserbasyon ang Komisyon upang makabuo ng iisang plano kung papaanong makakaiwas o maiiwasang mapinsala ng malaki ang mga bayang tatamaan ng bagyo, ikonsidera at isama ang lahat ng sector na maaapektuhan , pagpapatupad ng integrated measures at ang pagtutulungan ng lahat ng ahensiya ng gobyerno at local na pamahalaan.
Ang komisyon na rin ang magbibigay sa mga lokal na pamahalaang itinuturing na flood-prone lands ng mga technical data at mga mapa na makakatulong upang mapag-aralan kung ano ang posibleng solusyon upang mabawasan ang negatibong pekto ng matataas na pagbaha.
Ang komisyon na rin ang bahalang magsagawa ng mga pagpaplano at pagpapatupad ng flood plain management activities tulad ng flood warning systems, land acquisition at relocation programs