Tuesday, January 19, 2010

Talakayan hinggil sa serbisyo sibil, idadaos ng UP at HRep students

Magsasagawa ang University of the Philippines National College of Public Administration and Governance ng isang talakayan na tatawaging Strengthening the Philippine Civil Service System: An Agenda for Reform Through Legislative Action na may kinalaman sa pagpapalakas ng serbisyo sibil sa Enero 22 alas dos ng hapon.

Sa pangungunguna ng UP-NCPAG sa pakikipagtulungan ng Mababang Kapulungan sa pamamagitan ng mga 201 masteral student scholars ng House of the People Masters of Public Administration (MPA) ang nasabing pagpupulong.

Sinabi ni Dean Alex Brillantes ng UP NCPAG na layunin ng nasabing talakayan na magbigay daan sa mga dating chairpersons ng Civil Service Commission (CSC) upang maipahayag nila ang kanilang mga naging karanasan sa nasabing ahensya.

Ayon kay Brillantes, tatalakayin sa nasabing pulong ang mungkahing pang reporma ng CSC na humihikayat ng mga estudyante ng public administration upang tumulong sa pagbalangkas ng makabagong adyendang pang reporma para sa pambansang sistema ng serbisyo sibil sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga kinakailangang mga batas.

Ang magsisilbing tagapagsalita sa nasabing talakayan ay sina Gng Patricia Sto Tomas, Karina Constantino-David, Alma Corazon de Leon, G Ricardo Saludo at Francisco Duque.

Inimbitahan naman sina Rep Raul Gonzalez Jr at Sen Panfilo Lacson, chairpersons ng House at Senate Committees on Civil Service, UP professor Dr. Oliva Domingo at iba mga kandidato sa pagka pangulo upang magsilbing panel of reactors.

Lahat ng sangay ng gobyerno kasama na ang mga government owned and controlled corporations (GOCCs) na may orihinal na charter ay napapasailalim ng batas pang sergbisyo sibil at ng 1987 Constitution.