Thursday, January 07, 2010

RH bill muna bago chacha o dagdag buwis

Kakailanganing ipasa muna ng Kamara de Representantes ang kontrobersyal na reproductive health (RH) bill bago makapagpasa ito ng panukalang dagdag buwis o charter change.

Ito ang sinabi ni Albay Rep Edcel Lagman matapos lumabas ang balita na pipilitin ng Kamara na maipasa ang panukalang magpapatawag ng constitutional convention upang maamiyendahan ang Konstitusyon.

Ayon sa kanya, ang RH bill ay mahalagang panukala kaysa sa iba pang mga panukalang batas na binibigyan ng prayoridad ng Kongreso.

Nanawagan din ni Lagman sa mga kasama niyang nagtutulak ng RH bill na pumasok sa nalalabing sesyon ng Kamara bilang paghahanda sakaling maisalang ang naturang panukala sa plenaryo.

Idinagdag pa ng mambabatas na mababale wala ang lahat ng pagpupunyagi ng gobyerno na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino kung mananatiling malaki ang populasyon.