Sinabi ni Cerilles na ito na umano ang magdedetermina kung ang isang barko ay dapat pang gamitin sa paglalayag o hindi na.
Ani Cerilles, ilang beses mang dumaan sa overhaul ang isang sasakyan, hindi pa rin ito batayan ng pagiging ligtas ng isang sasakyang pandagat na ilang taon na ring ginagamit sa paglalayag.
Idinagdag pa ng mambabatas na ang matagal na paglalayag at pagkakababad nito sa dagat ay makakaapekto na daw sa katatagan nito, kaya't mahalagang malaman kung kailan ginawa ang isang barko upang masiguro ang kasalukuyang kalagayan nito.
Ang matatanda ng barko ay maituturing ng floating coffins at dapat lang na alisin na ito sa karagatan, ayon pa sa kanya.
Dahil dito, nanawagan din si Cerilles sa Philippine Coast Guard na magsagawa ng maigting na pagbabantay sa lahat ng mga sasakyang pandagat kung ang mga ito ay karapat-dapat pang gamitin sa paglalayag o hindi na.
Partikular na nais mabantayan ng mambabatas ay ang mga matatanda ng barko na kadalasan ay siyang nasasangkot sa mga trahedya sa dagat at nagiging sanhi ng kamatayan ng libo-libong tao.