Saturday, January 16, 2010

Makokolekta pa rin ni Rep Ledesma ang kanyang suweldo ng buo

Ibibigay pa rin ng Kamara de Representantes ang suweldo at mga bonuses ng asawa ni Asunta De Rossi na si Negros Occidental Rep Jules Ledesma kahit palagi itong absent.

Bagama’t pinaki-usapan ni House Speaker Prospero Nograles si Ledesma na pumasok naman kahit dalawa lamang sa huling siyam na session days ng Kamara de Representantes.

Napag-alaman na noong Christmas break ay pumunta si Ledesma sa Kamara upang kolektahin ang kanyang suweldo at bonuses subalit hindi ito napagbigyan dahil wala na ang mga empleyado na aasikaso nito.

Si Ledesma ang ikatlong pinakamayamang kongresista na may networth na P427.529 milyon base sa isinumite nitong Statement of Assets Liabilities and Networth.

Sinabi ng Speaker na nasa Christmas break ang Kongreso noon at wala ang empleyadong otorisadong makapag-asikaso ng kanyang mga papeles kaya sinabihan na lamang umano ng Speaker na kung maaari ay dumalo si Ledesma sa huling dalawang sesyon man lamang ng Kongrso para maisaayos ang kanyang mga dokumento at ang kanyang suweldo.

Hindi naman makumpirma kaagad kung magkano ang makukuha ni Ledesma.

Ang isang kongresista ay tumatanggap ng P35,000 na sahod kada buwan.

Noong Hulyo ay hindi rin nakita si Ledesma para sa pagbubukas ng
sesyon at huling State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo.