Isasailalim muna sa pagsasanay ang mga guro sa kolehiyo na hindi kuwalipikadong magturo bago sila isabak sa mga pribado t pampublikong pamantasn.
Ito ang nilalaman ng panukala , ang HB06505, na inihain ni Davao Oriental Rep Nelson Dayanghirang at na may layuning magpapatupad ng mga programa para sa pagsasanay sa mga guron magiging basehan din para sa kanang promosyon at bilang ng kanilang hahawakang klase sa kanilang pagtuturo.
Sinabi ni Dayanghirang na bagama't kabisado na ng mga guro ang mga paksang kanilang itinuturo sa mga mag-aaral, kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa pagsasanay sa tamang metodolohiya at pamamaraan upang hindi maapektuhan ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ayon kay Dayanghirang, dapat lamang umano na huwag bigyan ng karapatang makapagturo at humawak ng klase ang isang guro kapag hindi ito sumailalim sa isang kumpletong programa sa pagsasanay.
Sa kasalukuyan, ang mga guro sa high school at college ay sumasailalim sa patuloy na pagsasanay sa ilalim ng Teacher Education Centers of Excellence batay sa mandato ng RA07784.
Layunin ng kanyang panukala na amiyendahan ang RA07784 para isama ang lahat ng guro sa lahat ng antas sa pagsasanay sa professional education, general education at teaching methods sa kani-kanilang espesyalisasyon minsan kada limang taon, na maaaring ganapin sa panahon ng bakasyon.
Dinagdag pa ng solon na ang programang ito umano ang mag-aangat ng kakayahan at antas ng kahusayan ng ating mga guro.