Ang ipinakitang kilos ng mga miyembro ng mga pamilyang Aquino at Marcos sa burol ng yumaong dating Pangulong Cory Aquino ay isang magandang pangitain tungo sa posibleng rekosiliyasyon ng dalawang angkan.
Sa isang pulong-balitaan kahapon, pinapurihan ni Paranque Rep Roilo Golez ang dalawang pamilya at sinabing si Cory ay tunay na nanatiling isang bukal ng pagkakaisa at inspirasyon at ang ikinilos ng dalawang panig ay isang magandang aksiyon.
Matatandaang noong nakaraang Martes, si Ilocos Norte Rep Ferdinand Bongbong Marcos at dating Rep Imee Marcos ay bumisita sa burol ni Gng Aquino upang magpaabot ng kanilang tunay na pakikiramay at simpatiya sa pamilya.
Ang mga Marcos ay tinanggap ni Ballsy, ang panganay na anak nina ex-President Aquino at dating Sen Benigno Ninoy Aquino, Jr.
Naniniwala din si Golez na ang pagtanggap naman ni Sen Benigno Noynoy Aquino III kay Pangulong Arroyo na bumisita rin sa lamay ay isa namang magandang sinyales na ipinakita ng nakababatang Aquino bilang isang tao at pulitiko.