Monday, August 17, 2009

Karagdagang benepisyo para sa mga sundalo ng AFP at sa kanilang dependents, isinusulong

Ipinursige ngayon ni House Deputy Majority Leader at Aurora Rep Juan Edgardo Angara ang pagkakapasa ng panukala na may layuning daragdagan ang benepisyo ng mga military personnel at ang kanilang mga dependent na ayon sa kanya ay mga tagapagtanggol ng bansa at marapat lamang na magawaran ng sapat na social services at pinalawig na benepisyo.

Sinabi ni Angara na ang kanyang inihaing HB00146 na tataguriang Military Dependent’s Benefits Act ay bilang pagtanaw ng Estado sa mga miyembro ng armed forces partikular na rito ang mga na-assign sa combat zones na walang patumangging nag-alay ng kanilang mga buhay madepensahan lamang ang mga mamamayan laban sa mga armadong insurektos, terorista at mga kriminal

Ayon sa kanya, ang pagiging sundalo ay ang pinaka-delikado trabaho lalu na dito sa bansang Pilipinas kung saan na palaging nasa pakikipaglaban sila laban sa mga insurgent, terrorist at armed bandits kung kayat marapat lamang na tatanawin ang kanilang pakikipaglaban dito sa pamamagitan ng pagtanaw ng kanilang mga sakripisyo para sa kapakananng mga mamamayan.

Layunin ng HB00146 na i-instutionalize ang mga benepisyong kalusugan, pabahay at edukasyon para sa mga military personnel at para sa kanilang mga dependent.