Upang tuldukan na ang kontrobersiya tungkol sa pagbisita sa Estados Unidos ng mga Filipinong opisyal, dalawang mambabatas ang nangakong bayaran na lamang nila ang kanilang mga nagastos sa kanilang biyahe para matapos na ang isyu hanggil dito.
Sinabi nina Manila Rep Bienvenido Abante at Batangas Rep Hermilando Mandanas na hindi naman ito big deal para sa kanila na akuin ang gastos ng kanilang biyahe.
Ngunt igiit nina Abante at Mandanas na ang kanilang pagsama kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Amerika ay opisyal na trabaho at hindi isang junket lamang ayon sa naiulat.
Samantala, sinabi naman ni Quezon Rep Danilo Suarez na ang pangatlong dinner ng grupo ng Pangulo sa isang upscale restaurant na Bouley sa New York ay tinatawag niyang isang magarbo.
Hindi naman daw masyadong maluho ang lugar at hindi niya alam kung sino ang nagbayad para sa hapunang iyon, ayon pa kay Suarez
Matatandaang inamin ni Suarez na binayaran niya ang $15,000 na hapunan sa Bobby Van’s steakhouse sa Washington DC matapos makipagpulong si Pangulong Arroyo kay US President Barack Obama.
Maliban dito, ang unang hapunan ay naganap sa le Cirque restaurant sa New York na binayaran naman diumano ni Leyte Rep Martin Romualdez.
Sa bahagi naman ni Mandanas, sinabi ng mambabatas na susundin nila ang Speaker hinggil sa mga administrative matter.