Wednesday, May 13, 2009

Disaster risk reduction and management bill, isinusulong

Nananawagan si Bukidnon Rep Teofisto Guingona III para sa agarang pagkakapasa ng panukalang batas hinggil sa nagsaayos sa panukalang batas hinggil sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).

Sinabi ni Guingonan na mahalagang umanong maipasa na kaagad ang panukalang batas na ito lalo na ngayong binabagyo na bansa at lubhang matindi ang pinsalang dulot ng kadadaan lamang na mga bagyong Dante at Emong.

Ayon sa kanya, layunin ng DRRM bill na lalong pag-ibayuhin ang ating kahandaan at bawasan ang pagiging bulnerable kapag panahon ng sakuna o kalamidad dahil ang pinakamatinding sakunang maaaring mangyari ay ang paghihintay na lamang natin na mangyari ang kalamidad nang wala tayong ginagawang paghahanda.

Idinagdag pa niya na dumaan na umano sa mga komite ng National Defense and Security, Millennium Development Goals, at Government Reorganization ang panukalang batas at kasalukuyang nasa Committee on Appropriations upang maaprobahan bago ito talakayin sa plenaryo.