Isinusulong ngayon ang panukalang tutuguon sa pangmatagalang pagbibigay-kalinga sa humigit-kumulang 4.6 milyong lolo at lola sa buong bansa na inaasahan pang lalago ang bilang hanggang 9.2 milyon sa taong 2016.
Sinabi ni Pampanga Rep Carmelo Lazatin sa HB02438 na dapat palawigin ang retirement age ng mga empleyado ng pamahalaan hanggang 70 taong gulang dahil ang mga Senior Citizens ay maaari pang magtrabaho ngunit dapat matiyak na hindi makakasama sa kanilang kalusugan ang pagtatrabaho at hindi ito gaanong mabigat batay sa kanilang pisikal na kakayahan.
Tataguriang Senior Citizens’ Long Term Care Act, layon ng panukala na makapagdulot ng regular na tulong na nagkakahalaga ng P50, 000 sa lahat ng tahanang kumakalinga sa matatandang may karamdaman, walang tirahan at abandonado.
Bibigyan din ng pagkakataong mahing miyemo ng PHILHEALTH ang lahat ng matatanda sa buong bansa na pangangasiwaan ng mga health at social services sa mga lokal na pamahalaan, upang makaiwas sila sa anumang karamdaman at magkaroon sila ng sapat na kalusugan ng
isip at katawan.
Nakasaad din sa HB 2438 ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makapag-aral at sa mga programang tulad ng geriatric training, pag-eehersisyo, ballroom dancing at iba pang pisikal na aktibidad na makakatulong upang mapanatiling malusog ang kanilang pisikal na kalagayan.
Ayon pa kay Lazatin, layunin din ng panukala na mabigyan ng programang pangkabuhayan ang mga nakatatanda upang magkaroon sila ng kabuhayan at mapanatili ang kanilang dignidad bilang mga mamamayang may silbi pa sa lipunan.