Ipinahayag kahapon ni Bukidnon Rep Teofisto “TG” Guingona III ang kaniyang pagkabahala sa patuloy na pagdidepende lamang sa mga market players ng buong bansa upang masuplayan ang pangangailangan para sa petrolyo.
Sinabi ni Guingonana na dahil sa ganitong sitwasyon, wala umano tayong ibang magagawa sa panahon ng emergency, lalo na kapag ang sangkot ay isang mahalagang produkto kagaya ng LPG (liquefied petroleum shortage).
Ayon pa sa mambabatas, mula pa noong Disyembre, ang kakulangan ng LPG ang idinadaing ng mga mamamayan sa kabila ng malimit na pag-aanunsiyo ng Department of Energy (DOE) na may sapat na suplay nito, patuloy na humahaba ang pila ng mga taong nais bumili ng nabanggit na produkto.
Iginiit ni Guingona na tungkulin umano ng DOE na maging supplier of last resort ng mga mamamayan ito.
Ayon sa kanya, ang naranasang kakulangan sa LPG ang nagpapatunay na panahon na upang harapin ng pamahalaan ang mga isyu hinggil sa supply security.
Sa pagdinig ng Committee on Energy, iminungkahi ni Guingona na magpasa ng batas hinggil sa pagtatatag ng Strategic Petroleum Reserve (SPR) upang matugunan ang kakulangan sa petrolyo katulad ng ginawa ng Estados Unidos at Japan.
Dahil dito hinimok niya ang kaniyang kapwa mambabatas na suportahan ang naturang panukalang batas.