Dahil sa napipintong pagkakapasa sa Senado ng P1.415 triyong General Appropriations Act for 2009 at ng December break ng Kongreso sa susunod na linggo, pinakilos ni House Speaker Prospero Nograles ang House legislative machinery upang madaliin ang pagkaka-apruba ng common Executive-Legislative economic agenda nito.
Sinabi ni Nograles na napagpasyahan na nilang aprubahan ang 2009 national budget alisabay sa iilang mga economic at financial reform measures upang maibsan at mapagaan ang pasanin ng mga mamayan sa pagdating ng taong 2009.
Ayon sa Speaker, inaprubahan na nila sa pangatlo at pinal na pagbasa noong a-nuwebe ng kasalukuyang buwan ang Simplified Net Income Taxation Scheme (SNITS) para sa mga indibidwal na may sariling negosyo at yaong mga nagpa-practice ng propesyon at ito ay nakapaloob sa HB05521.
Batay sa ginawang konsultasyon sa pagitan ng Kongreso at ng economic team ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kanila umanong sineguro na mayroong isang cohesive prioritization ng mga polisiyang pagreporma upang matugunan ang posibleng finacial at econimic situation at mga hamon na kakaharapin ng bansa sa susunod na taon.
Sa SNITS amendment, magkakamit ang bansa ng isang bilyong pisong ilalaan para sa tertiary education upang i-finance ang capital outlay ng mga state universities at colleges na pamamahalaan ng Commission on Higher Education bilang implementing agency at isang bilyong piso rin para sa pagsasagawa ng mga sea ports at mga pier ng pambansang shipping industry na pangangasiwaan din ng Philippine Ports Authority.