Wednesday, December 10, 2008

Rebisahin ng Kamara ang PAGCOR charter

Magsasagawa ng pagreribyu ang House Committee on Game and Amusement sa karta ng Philppine Amusement and Gaming Coproration (PAGCOR) bunsod na rin ng napaulat na laganap ng hindi otorisadong internet gaming sa buong bansa.

Sinabi ni Manila Rep Amado Bagatsing, chairman ng naturang komite, na dapat lamang ipatupad ng PAGCOR ang kapangyarihan nito na i-regulate ang gaming at ang mga gumagamit ng internet na may kaugnayan sa kaparihas na laro dahil ito lamang ang ahensiyang pamahalaan na otorisadong mag-operate ng gaming.

Ayon pa kay Bagatsing, mukhang hindi kaya ng PAGCOR na makisabay sa pinakabagong teknolohiya lalu na larangan ng internet gaming kaya at marapat lamang umanong marebisa na ang PAGCOR charter upang matukoy kung dapat bang magkaroon ng karagdagang pagsasabatas upang mapaigting ang kapangyarihan ng ahensiyang ito.

Magugunitang ang PAGCOR ay naitatag batay sa PD 1869 noong panahonng wala pa ni sinuman ang nakakaisip na magkakaroon ng cellphone at lalu pa ang internet kung kayat hindi pa ang mga ito naisali sa mga probisyon ng naturang karta.

Napanahon na umanong masuri ang naturang karta upang mabigyan ng kapangyarihan ang PAGCOR at maisaayos ang mga probisyon nitong hindi naaayon sa kasalukuyang panahon.