Ipinahayag kahapon ni Palawan Rep Abraham Mita, chairman ng house committee on agriculture, na pansamantalang suspendihin muna ang pagsiyasat sa kontrobersiyal na P728 milyon fertilizer fund scam at ipagpapatuloy na lamang ito sa susunod na taon.
Sa isang panayam, sinabi ni Mitra na may maraming mga importanteng panukalang batas na nakabinbin sa Kamara de Representantes na kailangang tutukan ng mga mambabatas kagaya ng pagratipika sa P1.415 trilyong General Appropriations Act (GAA) 2009.
Sinabi ng solon na dahil sa kakulangan ng oras, kanila umanong temporaryong sosuspendihin muna ang mga hearing at babalik nalang muli sila matapos ang kanilang Christmas break sa Enero.
Ngunnit mabilis naman niyang ipinabatid na ang kanyang komite ay desididong makita ang tunay na dahilan at kailaliman ng kontrobersiya na kinasasangkutan ni agriculture undersecretary Jocelyn Jocjoc Bolante.
Matatandaang iminungkahi ni Cavite Rep Crispin Remulla noong nakaraang hearing ang pagkaka-aresto kay Maritess Aytona, ang sinasabing runner ni Bolante bunsod na rin sa pangingisnab nito sa nabanggit na komite at pagkakabisto na peke pala ang mga address na binigay sa committee secretariat.