Wednesday, December 10, 2008

Comprehensive rehabilitation and scholarship program para sa mga child soldiers

Nagpahayag ng pagkabahala si Cebu Rep Nerissa Soon-Ruiz hinggil sa lumaking bilang ng mga batang sundalo sa bansa habang kanyang hiniling ang pagkakaroon ng isang komprehensibong rehabilitation and scholarship program para sa kanila.

Ang mga batang ito ay direkta umanong sangkot sa mga armed conflict bilang mga combatant o ginawang mga spy, guwardiya, guides, lookouts, porters, garden workers, messengers o mga kahalintulad na gawain.

Ayon kay Soon-Ruiz, tinataya ng militar na umaabot na sa humigit kumulang 2,000 mga bata ang nakikopaglaban para sa Moro Ismalic Liberation Front, New People's Army at Abu Sayyaf Group.

May mga nagsasabi na may suspetsa daw ang mga militar na ang mga batang ito ay hibndi lamang ni-recruit bilang mga errand boys o mga combatant kundi ginagamit din ang mga ito na mga human shield laban sa mga military attack at sila talaga ang pinaka-vulnerable na mga biktima dito, dagdag pa ng solon.

Dahil dito, naghain umano siya ng HB05544 na may layuning gawing polisiya ng pamahalaan na tratohin ang mga child soldier bilang mga biktima at hindi bilang mga lumabag sa batas kahit sila pa ay naging miyembro ng mga armadong grupo at gawaran sila ng nararapat na suporta at paggabay para makapanumbalik sila sa mainstream ng lipunan at mamuhay ng normal at produktibong buhay.