Monday, November 17, 2008

Travel ban sa bansang Iraq, hindi dapat ibaba

Kinatigan kahapon ni Valenzuela Rep Magtanggol Gunigundo, chairman ng house committee on labor, ang naging posisyon ng pamahalaan na hindi dapat ibaba ang travel ban sa mga mamamayan patungong Iraq.

Sinabi ni Gunigundo na ang kaligtasan ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang dapat mabigyan ng mataas na konsiderasyon kaysa sa iba pang mga interes na maaring isipin.

Ipinaliwanag ni Gunigundo na ang naging paghayag ni charge d'affaires Adel Mawlood Hamoudi Al-Hakimh ng embahada ng bansang Iraq sa Manila na humihikayat sa pamahalaan na payagan na ang mga manggagawa nito na tumulong sa reconstruction effort nila ay magko-kompromiso lamang sa kaligtasan ng mga OFW.

Mainam na umanong maging palaging ligtas kaysa magsisi pa tayo dahil alam naman natin ang sitwasyon sa kasalukuyan ng Iraq na delikado at ayaw naman natin na mahuli sa crossfire ang mga Filipino sa pagitan ng US troops at ng mga militanteng Iraqi, dagdag pa ni Gunigundo.