Tagumpay sa pagsusulong ng kapayapaan at kontra diskriminasyon ang pinaniniwalaang dahilan ng naging panalo ni US President-elect Barack Obama kung si Anak Mindanao Rep Mujiv Hataman ang tatanungin.
Nakiisa sa pagbubunyi ng tagumpay ni Obama si Hataman na umaasang mababawasan ang maraming nagaganap na diskriminasyon sa Estados Unidos.
Umaasa si Hataman na itataguyod ni Obama ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagtigil sa mga digmaang inilunsad ni US President George Bush.
Sinabi ni Hataman na tinitingnan niya si Obama bilang instrumento ng kapayapaan na makakatulong para maging mapayapa ang mundo.
Umaasa din Hataman na ang pinaka-unang black-president ng Amerika, isang simbolo ng pagbabago, maging instrumento si Obama na wakasan na mga digmaan at mamayani ang kapayapaan sa buong mundo, partikular na rito ang Mindanao.