Wednesday, November 19, 2008

Proteksiyon ng freedom of speech and association ng estudyante, isasabatas

Naghain si partylist Rep Narciso Santiago ng panukala, ang HB05459, na may layuning maprotektahan ang karapatan ng malayang pagpapahayag at pag-organisa ng mga asosasyon ng mga estudyante sa mga paaralan at ito ay tataguriang “Freedom of Speech and of Association on Campus Act of 2008.”

Sinabi ni Santiago na ang kanyang panukala ay batay na rin sa isang constitutional mandate na nagsasabing hayag na gagawaran ng proteksiyon para sa mga karapatan sa malayang pagpapahayag at pagtitipon ang mga estudyante.

Ayon sa kanya, marapat lamang umanong ma-expose na sa mga naturang karapatan ang mga estudyante partikular na rito yaong mga nasa mga kolehiyo at unibersidad.

Batay sa panukala, sisegurohin ng gobyerno na nasa loob ng konteksto ng isang malaya at demokratikong sistema, pag-ibayuhin ang karapatan ng bawat mag-aaral sa pag-exercise ng kanilang kalayaan sa pagpapahayag at asasyon regardless sa kanilang sex, edad, creed, socio-economic status, kondisyon pampisikal at mental, racial or ethnic origin at political affiliation.

Ito ay bilang pagtugon umano sa nakasaad sa saligang batas na protektahan ang freedom of speech and association ng mga estudyante sa lahat ng oras, dagdag pa ni Santiago.