Isinulong ni Manila Rep Amado Bagatsing ang pagpasa ng panukalang mag-regulate sa practice ng environmental planning kapwa sa lokal man o sa international na pagsasanay.
Sinabi ni Batagsing na sa HB04419 na kanyang inihain, patatatagin nito ang mga regulatory policy hinggil sa environmental planning sa pamamagitan ng pagsawalang bisa ng PD 1308 na isinabatas tatlumpong taon na ang nakalilipas na kanyang pinaniniwalaang naging obsolete na ang mga probisyon nito.
Tatalakayin din sa bagong batas ang kasalukuyang mga pangyayaring may mga pumapasok nang mga foreign environmental planners sa bansa upang mag-practice ng kanilang mga propesyon at naging banta rin sa mga kababayan nating propesyonal, ayon pa kay Bagatsing.
Inihalimbawa ni Bagatsing ang mga sitwasyong marami umano ang mga pumapasok na foreign environmental planners sa bansa na malayang nakakapag-practice na ng kanilang mga propesyon bagamat may mga polisiya na nagbabawal sa practice ng mga foreign professionals.
Marapat lamang umanong magkaroon ng malinaw na polisiya hinggil dito sa prcactice ng naturang propesyon sa bansa.