Monday, November 24, 2008

Pagkakaton na ng mga anti-impeachment solon magsalita

Mabibigyan na ng pagkakataon ang mga kongresistang sumasalungat sa impeachment complaint sa Kamara de Representantes na pabulaanan ang mga akusasyon laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Justice Committee ngayong araw na ito hinggil sa isinampang impeachment complaint.

Ididetermina na ng naturang committee kung sufficient in substance ang nabanggit na impeachment complaint para maaari nang dalhin sa Senado upang tuluyan nang litisin ito.

Umabot sa halos limang oras ang isinagawang pagdinig kahapon ng komite na nakatuon sa "recital of facts" ng pitong mga endorser ng complaint.

Nakatakdang si Albay Rep Edcel Lagman ang magbibigay ng introduksiyon para sa hanay ng mga anti-impeachment na mga mababatas at siya na rin ang magsa-summarize ng kanilang mga presentation.

Ang ibang mga presenter ay sina Cavite Rep Elpidio Barzaga, Maguindanao Rep Simeon Datumanong, Pasig Rep Roman Romulo, Negros Oriental Rep George Arnaiz, at baguio Rep Mauricio Domogan.