Wednesday, November 12, 2008

Mataas na prayoridad sa mga honor graduate para sa serbisyo sibil

Mabibigyan na ng mataas na prayoridad sa pagtala ng mga maging empleyado sa pamahalaan ang mga nagtapos sa kolehiyo o pamantasan ng estado na may tinganggap na parangal.

Ito ang naging layunin ng panukalang batas na inihain ni ARC Partylist Rep Narciso Santiago, ang HB05312 na tatawaging “Public Honor Graduates Priority Act” na siyang magbibigay prayoridad sa mga honor student sa pagre-recruit ng mga civil service personnel basta't angkin nila ang lahat na mga minimum qualification para sa posisyon batay sa batas.

Sinabi ni Santiago na ang pagbibigay ng prayoridad sa mga honor graduate ng mga public school sa pag-recruit para sa serbisyo sibil ay magsisilbeng insentibo para sa mga estudyante ng mga paaralang pinondohan ng gobyerno na may matataas na ngking kakayahan.

Marapat lamang umanong mabigyang halaga ang mga estudyanteng nagtapos sa state colleges and universities na nakatanggap ng mataas na parangal bilang pagtanaw sa kanilang mga angking pambihirang kakayahan.