Naniniwala si Quezon City Rep Matias Defensor, chairman ng house committee on constitutional amendments na hindi na hihimasukan pa ng Supreme Court ang kanilang binotohang ng 42 kontra 8 boto laban sa impleachment complaint laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Defensor kahapon na tanging ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan sa pagdinig ng naturang reklamo.
Eksklusibo at orihinal umano ang hurisdiksiyon na dinggin ang impeachment complaint ng Kongreso at ang desisyon nito ay hindi na paksa para iapela kaya't wala na itong pag-asa pa, mawalang galang sa hukuman, dahil ito ay isyu umano na ang lehislatibo lamang ang may karapatang mag-desisyon, pahayag pa ni Defensor ng kanyang personal na paniniwala bilang isang abogado at beteranong mambabatas.
Ang pahayag ni defensor ay bilang pagtugon lamang sa nauna nang pahayag ni Akbayan Rep Risa Hontiveros-Baraquel na ang mga pro-impeachment lawmaker ay nagbabalak na iakyat ang isyu sa kataastaasang hukuman dahil sa diumanong pangaabuso ng diskresyon ng komite.
Ayon sa kanya, pabayaan na lamang nila at ihabilin sa karunungan ng hukuman ang isyu ngunit handa naman umano siya na depensahan ang kanilang pagbasura sa reklamo dahil sa insufficiency of substance.