Tuesday, November 11, 2008

Bolante, magpapaliwanag sa Kamara hinggil sa P728M fertilizer fund scam

Naniniwala si Bayan Muna Rep Satur Ocampo na magsilbe lamang na venue ang isasagawang pagdining ng House Committee on Agriculture hinggil sa napaulat na P728 milyong fertilizer fund scam upang maipayahag ng mga mambabatas na diumanong naging benepisyaryo sa naturang eskandalo ang kani-kanilang mga panig.

Ayon kay Ocampo, kahit mag-inhibit pa sila sa imbestigasyon, hindi pa rin maging ganap na makatutulong ito sa inquiry kaysa sa pagdinig lamang ng kuwento ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn Jocjoc Bolante bagkos ito ay maging lugar lamang upang kanilang maipahayag kung papaano nila ginastos ang perang natanggap nila.

Samantala, sinabi naman ni Palawan Rep Abraham Kahlil Mitra, chairman ng nabanggit na komite, na personal naman umanong tinanggap ni Bolante and isinilbeng imbitasyon sa hearing at nilagdaan niya ito sa kanyang kuwarto sa St. Lukes Medical Center.

Ngunit nang tinanong naman si Mitra kung ang ibig sabihin ng paglagda ni Bolante sa imbitasyon ay sisipot ito sa hearing, mabilis namang tumugon ito na hindi umano niya masabi ngunit umaasa naman daw siya na darating si Jocjoc para magbigay ng kanyang panig.

Inihain na ni Mitra kahapon ang HR00848 na may layuning siyasatin ang diumanong misappropriation ni Bolante ng P728 milyon agricultural fertilizer funds na pinaniniwalaang nai-divert diumano sa campaign kitty ng Pangulong Arroyo noong 2004 elections.