Monday, October 27, 2008

Obligahing magtanim ng puno ang mga estudyante

Nanawagan kahapon si Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez sa mga estudyante na magtanim ng puno dahil sa patuloy na pagkakalbo ng kabundukan na naglalantad sa bansa sa matinding panganib ng flash flood at upang magkaroon ng bagong 214 milyong puno sa kagubatan.

Sa ilalim ng HB05297 na inihain ni Rodriguez, oobligahin ang mga mag-aaral sa kolehiyo, vocational schools, high schools at elementarya na magtanim ng puno.

Nanghihinayang si Rodriguez lalo’t kasama ng Malaysia at Indonesia ang Pilipinas sa tinatawag na 25 biodiversity hotspots o mga lugar kung saan maraming endangered species.

Ayon sa kanya, napapanahon ang kanyang panukala para maisalba ang engendered species sa mga susunod na henerasyon.