Sinabi ni House Speaker Prospero Nograles na hindi dapat bababa sa P7 kada litro ang rollback ng langis sa gitna ng ginawang rollback na piso sa pump price ng krudo at gasolina ng mga kompanyang langis dahil ang presyo ng krudo sa pamilihang pandaigdigan ay bumaba na sa $67-$70 kada bariles.
Idinagdag pa ni Nograles na siya ay nalilito daw kung bakit ang mga small players sa oil industry ay nakakayanang magbaba ng malaki kumpara sa tinatawag na Big Three na may mga sari-sariling oil fields at refineries.
Ang P1 roll back ay hindi talaga sapat kung ang pagbabatayan ay ang limampung porsiyentong pagbaba ng presyo ng langis sa world market kumpara sa antas nito noong buwang Hulyo kung saan ang presyo ay $132 kada bariles at ang pinakamataas na presyo ng punp price ay P60.46 kada litro ng diesel, ayon pa sa kanya.
Dahil dito, ang imbistigasyon ng House Committee on Energy sa pangunguna ni Pampanga Rep Mickey Arroyo hinggil sa kinikitang ginansiya ng mga kompanyang langis sa bansa ay tuloy pa rin para matukoy kung anong probisyon ang nararapat na amiyendahan sa oil deregulation law nang hindi na ito gamiting sangkalan ng mga oil firms.