Thursday, October 23, 2008

Lifestyle checks on officials, employees urged

Nanawagan si Manila Rep Bienvenido Abante sa tatlong sangay ng pamahalaan na magsagawa ng lifestyle checks sa kanila-kanilang hurisdiksiyon para matugunan ang problema sa korapsiyon na patuloy pa ring namamayagpag sa pagnanakaw sa gobyerno at sa mamamayan na umaabot sa bilyon-bilyong piso kada taon.

Inihain ni Abante ang HR00798 kahapon sa gitna ng mga alegasyon ng congressional insertions ng Senado o ang tinatawag na double funding ng mga inprastrakturang proyekto sa national budget.

Layunin ng kapasyahan ni Abante na magtatag ng mga independent bodies na siyang magsasagawa ng naturang lifestyle checks at hikayatin ang Pangulo na magtatag ng People's Commission Against Corruption.

Sinabi ng mambabatas na hindi sapat ang resources at mga tauhan ng Office of the Ombudsman upang isagawa ang malawak na gawain at public service.

Ayon sa kanya, marapat lamang umanong ipatupad ang naturang panukala dahil ang epekto daw ng graft and corruption ay patuloy pa ring namamayagpag na siyang naging dahilan ng pagbagal ng pagunlad ng bansa.