Tuesday, October 28, 2008

Imbestigasyon ng Kamara hinggil sa Euro Generals, 'di na kailangan

Sinabi ni House Speaker Prospero Nograles kahapon na kung siya ang tatanungin, hindi na dapat magsagawa pa ng imbestigasyon ang Kamara de representantes hinggil sa euro generals lalo at anuna nang nagsiyasat ang Senado sa pamumuno ni Sen Miriam Defensor.

Magugunitang inirekomenda ni Philippine National Police (PNP) chief director general Jesus Versoza na sampahan ng mga kaso sina dating PNP director for comptrollership Gen Eliseo dela Paz, PNP finance service head chief supt Orlando Pestano, budget division chief of the directorate for comptrollership senior supt Tomas Rentoy at disbursing officer of the directorate for intellegence supt Samuel Rodriguez.

Naniniwala si Nograles na paulit-ulit na lamang ang mga pangyayari kaya dapat hayaan na lamang ang mga senador at huwag na ang mga itong pakialaman ng House dahil nauna na silang magsagawa ng imbetigasyon.

Nauna nang kinansela ni Nueva Ecija Rep Rodolfo Antonino, chairman ng House committee on public order and safety, ang imbestigasyon ng komite nito noong nakalipas na Biyernes dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon.