Nagpahayag ng pagkadismaya si House Minority Leader at San Juan Rep Ronaldo Zamora sa hindi paglagda ni dating Speaker Jose de Venecia sa verified resolution of endorsement sa impeachment complaint laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bago ito tumulak sa ibayong-dagat dahil magagamit sana ito para kumbinsihin ang mga kongresista na sumuporta sa reklamo.
Sinabi ni Zamora na inakala nilang lumagda na si de Venecia nang ihayag nito sa isang biglaang press conference noong nakalipas na Sabado na tatayo itong endorser.
Hindi dapat ikonsidera si de Venecia bilang endorser ng impeachment complaint, ayon pa kay Zamora, hanggang hindi ito pumipirma sa resolution of endorsement.
Inakala nila na napumirma na umano si de Venecia ngunit pa naman pala kung kaya at nagtatanong sila na kung baka pinag-iisipan pa nito ang paglagda.
Nabatid na lumipad kinagabihan ng Sabado si de Venecia patungong Estados Unidos para sa dalawang linggong speaking engagement hanggang sa Mexico at babalik sa pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre 10.
Ngunit inamin naman ni Noel Albano, spokesman ng dating Speaker, na gagawin ni de Venecia ang paglagda sa pagbabalik nito sa bansa.