HINILING NI LEYTE REP FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ SA PAMAHALAAN NA MAGLAAN NG MAS MALAKING PONDO PARA TULUNGAN ANG LOKAL NA MGA MAGSASAKA SA PAMAMAGITAN NG PAGBILI NG KANILANG MGA PALAY SA TAMANG PRESYO.
SINABI NI ROMUALDEZ NA SA HALIP NA GUMASTOS ANG GOBYERNO NG BILYUN-BILYONG PISO PARA UMANGKAT NG BIGAS GALING SA IBANG BANSA, NANINIWALA SIYA NA DAPAT MAGLAAN DIN NG KARAGDAGANG PONDO BILANG AYUDA SA MGA MAGSASAKA SA BANSA PARA SA SUBSIDIYA, IRIGASYON AT IMPRASTRAKTURA.
HABANG ANG GOBYERNO AY NANGANGALAP NG SOLUSYON SA KASALUKUYANG KINAKAHARAP NA PROBLEMA SA KAKULANGAN NG SUPLAY NG BIGAS SA PAMAMAGITAN NG IMPORTASYON, DAPAT HUWAG DIN UMANONG KALIGTAAN ANG MGA PROBLEMA LOKAL NA MGA MAGSASAKA NA NAGHIHINTAY DING BILHIN ANG KANILANG PALAY SA TAMANG HALAGA.
KAUGNAY DITO, IPINANUKALA NG MAMBABATAS NA GAMITIN NA LAMANG NG PAMAHALAAN ANG LIMAMPUT ISANG BILYONG PISONG PONDO PARA SA IMPORTASYON PARA MASUPORTAHAN ANG MGA MAGSASAKA AT MATIGIL NA ANG PAG-AANGKAT NG BIGAS.