Inatasan kahapon ni House Speaker Propero Nograles sina Majority Leader Arthur Defensor at Secretary General Marilyn Yap na bumuo ng isang task force na mag-monitor at mag-lobby para sa kagyat na pagpasa ng mga panukalang batas na kasalukuyang nakabinbin sa Senado.
Sinabi ni Nograles na dapat mahikayat ang aktibong paglahok ng mga miyembro na tumulong sa pagtatag ng isang malakas na kooperasyon at pakikipagtulungan ng mga mambabatas ng dalawang kamara ng Kongreso.
Kasalukuyang mayroong 74 na panukalang batas na nasyunal ang significance at 596 na local bills ang ipinasa ng Mababang Kapulungan na nakabinbin at nakaantabay na aksiyunan ng Senado.
Kabilang sa inisyal na bubuo ng task force na magsilbeng tagapag-ugnay o liaison ng Kamara de Representantes na siyang magsasagawa ng regular na kosultasyon sa mga senador ay sina Isabela Rep Rodolfo Albano III, Cebu Rep Eduardo Gullas at Paranaque Rep Eduardo Zialcita at sila tataguriang House Ambassadors to the Senate.