Monday, September 15, 2008

Sidewalk vendors, papayagan nang magtinda sa nakatakdang lugar

Nais ng isang mababatas na mawakasan na ang naging gawi na larong cat-and-mouse o pusa-at-daga sa pagitan ng mga sidewalk vendor at mga law enforcement officer.

Sa inihaing panukala ni Nueva Ecija Rep Eduardo Nonato Joson, ang HB04978, layunin nitong i-regulate ang pagtitinda sa sidewalk sa pamamagitan ng pagmando sa bawat lokal na pamahalaan o LGU na maglaan, kung saan popuwede, ng isang lugar kung saan ang mga sidewalk vendor ay maaaring magtinda ng kanilang mga kalakal.

Tinukoy ni Joson ang dahilan ng pagdami ng mga sidewalk vendor sa pagtaas ng mga bilihin at ang mataas na inflation rate.

Sinabi ni Joson na para mapanatiling ang katawan at kaluluwa ay mapagsama, parami ng parami ang mga taong naghahanap na lamang ng paraan madagdagan lamang ang kanilang kita at isa sa mga alternatibong paraan ay pagtitinda sa saidewalk na ginagawa ng karamihan.

Ayon sa kanya, kalimitan, ang mga sidewalk vendor ay tinuturing na estorbo at dahilan ng polusyon habang nagtitinda ng kanilang mga kalakal at pagkain na minsan ay naging dahilan ng perwesyo sa publiko ngunit sila naman ang naging punterya ng mga harassment at pagkokumpeska ng kanilang mga paninda.