Tuesday, September 16, 2008

Pagibayuhin ang kita ng PAGCOR at PCSO

Hinikayat ni Pampanga Rep Carmelo Lazatin ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na pagibayuhin ng mga ito ang kanilang income generation upang mapondohan ang iilang mga mahahalagang programa ng pamahalaan na partikular na magbibenipisyo sa mga nagdarahop na mga mamamayan.

Sa HR00767 na inihain ni Lazatin, sinabi niya na ang PAGCOR at ang PCSO ay dapat humanap ng mga pamamaraan upang kumita ng maigi ang kanilang operasyon upang makapagtatag ang mga ito ng mga programang makatutulong sa mga mahihirap.

Ayon sa kanya, may pangangailangang magawaran ng maraming pondo ang mga basic at social services na ibinibigay ng PAGCOR at PCSO kung kayat marapat lamang na ipagpapaibayo ng mga ito ang kanilang income generation at hanapan ng paraan na magamit ang hindi pa natuklasang mga potensiyal.

Idinagdag pa ni Lazatin na dapat ipagpatuloy pa ng mga ito ang mga layunin nitong makatao sa pamamagitang ng pagpapaibayo ng kanilang income generation.