Thursday, September 11, 2008

PAGGAMIT NG CELLPHONE HABANG NAGDA-DRIVE, IPAGBABAWAL NA

GANAP NANG IPAGBABAWAL ANG PAGPAPADALA NG TEXT AT PAKIKIPAG-USAP SA PAMAMAGITAN NG CELLPHONE HABANG NAGMAMANEHO NG SASAKYAN.

ITO ANG BUOD NG PANUKALANG BATAS, ANG HB04917 NA INIHAIN NINA BUHAY PARTY LIST REPS IRWIN TIENG AT MA CARISSA COSCOLLUELA NA TATAGURIANG ANTI-TEXTING WHILE DRIVING ACT OF 2008.

SINABI NI TIENG NA DUMARAMI NA UMANO ANG GUMAGAMIT NG CELLPHONE AT KAHIT NASA LIKOD NG MANUBELA AY MASYADONG ABALA ANG DRIVER SA PAGTI-TEXT NA KALIMITAN AY NAGING SANHI NG DISGRASYA.

AYON SA KANYA, ANG PANUKALA AY BUNSOD NA RIN SA NAGING TALA NG MMDA METROPOLITAN ROAD SAFETY UNIT NA NAGSASABING MAHIGIT 30,000 VEHICULAR ACCIDENT NA ANG NANGYARI NOONG FIRST QUARTER PA LAMANG NG TAONG 2007.

BAGAMAT HINDI TALAGA MATUKOY KUNG ANG DAHILAN NG MGA DISGRASYANG NAITALA AY BUNSOD NG PAGGAMIT NG CELLPHONE, SINABI NI TIENG NA MAAARING MARAMI DITO ANG PUWEDENG I-ATTRIBUTE SA CELLPHONE USE HABANG NAGDA-DRIVE.

SA BAHAGI NAMAN NI COSCULUELLA, SINABI NITO NA MAY MGA PAG-AARAL UMANO NA NAGSASABING INAAMIN DIN MINSAN NG IILANG MAY-ARI NG CELLPHONE NA HINDI SILA GANAP NA MAINGAT SA PAGDA-DRIVE HABANG SILA AY GUMAGAMIT NG CELLPHONE.