Tuesday, September 02, 2008

MGA PRANGKISA, IIMBISTIGAHAN NG KONGRESO

ININDORSO KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES ANG NAUNANG PANAWAGAN NG ISANG KONGRESISTA SA MGA PRIBADONG KURPORASYON DAHIL SA KANILANG HINDI PAGSUNOD SA MGA REQUIREMENT NG KANILANG MGA LEGISLATIVE FRANCHISE.

SINABI NI NOGRALES NA TAMA SI AGUSAN DEL SUR REP RODOLFO PLAZA NANG HUMILING ITO NG ISANG REBYU SA MGA IGINAWAD NA PRANGKISA NG KONGRESO SA MGA KUSPORASYON DAHIL KARAPATAN NITO NA BAWIIN SA MGA GRANTEE NA HINDI SUMUSUNOD SA MGA PATAKARAN AT INAATAS NG KANILANG PRANGKISA.

IBINUNYAG NI PLAZA NA IILAN SA MGA PRIVATE CORPORATIONS NA NABIGYAN NG PRANGKISA NG KONGRESO AY NAPA-ULAT NA NAGKULANG SA KANILANG PAG-COMPLY SA MGA NAKASAAD SA KANILANG MGA LEGISLATIVE CONCESSION.

AYON KAY NOGRALES, ANG PAMBUBUNYAG NI PLAZA NA SADYANG ITINATAGO ANG TUNAY NA PAGMAMAY-ARI NG MGA KURPORASYON HABANG ITO AY NAG-AAPLAY NG PRANGKISA AY DAPAT UMANONG MA-IMBISTIGAHAN.

KAUGNAY DITO, INATASAN NI NOGRALES ANG COMMITTEE ON LEGISLATIVE FRANCHISES NA PINAMUNUAN NI ILOILO REP FERJENEL BIRON NA I-EXERCISE ANG OVERSIGHT POWER NITO UPANG MASIYASAT ANG MGA PRANGKISANG IGINAWAD NG KONGRESO.

ISA SA MGA HINDI NASUSUNOD NA PROBISYON NG MGA FRANCHISE HOLDERS AY ANG PAGSUMITE NG KANILANG MGA ANNUAL REPORT SA KONGRESO.