Monday, September 29, 2008

Legitimation ng mg batang illegitimate, sinusulong

Inirekomenda ng House Committee on Revision of Laws ang agarang pagkakapasa ng panukalang batas na magkakaloob ng lehitimong estado sa mga batang ipinanganak na ang mga magulang ay hindi pa naikasal sa kadahilanang under-age pa.

Sinabi ni Valenzuela Rep Magtanggol Gunigundo na hindi dapat magdusa ang mga walang malay na kabataang isinisilang dahil sa kasalanan o pagkukulang ng mga magulang at mataguriang silang hindi-lehitimong anak sa kadahilanang hindi maikasal ang kanilang mga magulang dahil menor-de-edad ang mga ito.

Sa mga panukalang tinalakay ng nabanggit na komite na inihain ng iilang mga mambabatas, layunin ng mga ito na amiyendahan ang kasalukuyang umiiral na Pamily Code of the Philippines at ang maging consolidated na bersiyon nito ay tataguriang An Act for the Legitamation of Children Born to Parents Below Marrying Age.

Bukod kay Gunigundo, kabilang din sa mga awtor sina Aurora Rep Juan Edgardo Angara, Cebu Rep Eduardo Gullas, Palawan Rep Abraham Khalil Mitra, Las PiƱas Rep Cynthia Villar, Albay Rep Reno Lim, Gabriela Rep Liza Maza, Negros Occidental Rep Ignacio Arroyo, Leyte Rep Trinidad Apostol, Bohol Rep Robert Cajes, Marikina City Rep Marcelino Teodoro, Bohol Rep Edgardo Chatto, Iloilo Rep Raul Gonzalez Jr., Isabela Rep Giorgidi Aggabao, Cavite Rep Elpidio Barzaga, Nueva Ecija Rep Joseph Gilbert Violago, Bulacan Rep Arturo Robes, Bayan Muna Rep Satur Ocampo, Negros Occidental Rep Jose Carlos Lacson at Cagayan de Oro City Rep Rolando Uy.