Dahil sa nakababahalang ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasabing dumarami ang bilang ng mga insedenteng human trafficking sa bansa, pinasisiyasat nina CIBAC Party-list Reps Emmanuel Joel Villanueva at Cinchona Cruz-Gonzales ang patuloy pa rin at di-masawatang mga kaso ng human trafficking na bumibiktima ng mga mga mamamayang Filipino.
Sinabi ni Villanueva na mabilis na naging isang malaking transnational crime na pumapangalawa lamang sa illegal na bentahan ng droga at mga armas ang nabanggit na krimen at karamihan sa mga naging biktima ay ginagawang mga commercial sex worker, forced laborer at maging mga unwilling organ donor.
Nabahala naman si Cruz-Gonzales sa maliit lamang na bilang ng napaulat na mga kaso ng human trafficking sa otoridad kung saan mahigit isang libong kaso lamang ang napaulat noong nakaraang taon.
Sa HR00779, layunin nina Villanueva at Cruz-Gonzales na ip[agpapatuloy at paigtingin ang inisyatiba ng pamahalaan laban sa human trafficking sa lahat ng antas magmula sa pagsasabatas hanggang sa pagpapatupad ng mga alituntunin nito.