Monday, September 01, 2008

DEATH PENALTY LAW, IPAPATUPAD MULI

IPAPATUPAD MULI ANG DEATH PENALTY LAW NA IPINAWALANG BISA NA NOONG TAONG 2006 KUNG MAISABATAS ANG PANUKALA, HB04882, NI MANILA REP BIENVENIDO ABANTE.

MATATANDAANG ISINABATAS NOONG 1996 ANG RA08177, ANG LETHAL INJECTION LAW AT ANG RA07659, ANG DEATH PENALTY LAW NOONG 1993.

SINABI NI ABANTE NA LALUNG TUMATAAS ANG BILANG NG MGA MARARAHAS NA KRIMEN AT ANG COMMISSION NG CAPITAL OFFENSES MATAPOS IPINAWALANG BISA ANG DEATH PENALTY LAW NOONG 2006.

TINUKOY NI ABANTE ANG NANGYARI ISANG UMAGA SA CABUYAO, LAGUNA NOONG NAKARAANG MAYO KUNG SAAN WALANG AWANG PINATAY NG MGA SALARIN ANG SAMPUNG EMPLEYADO NG BANGKONG NINAKAWAN PA NG PERA, AT ANG PAGTAAS NA BILANG NG KRIMENALIDAD SA BUONG BANSA NA SIYANG NAGBUNSOD SA KANYANG PAGHAIN NG PANUKALA.

AYON SA KANYA, ANG ARGUMENTONG IPINAHAYAG LABAN SA DEATH PINALTY NA ANG PARUSANG ITO AY HINDI MAKATAO AT NA ANG DIYOS LAMANG ANG MAAARING TUMIKIL NG BUHAY AY HINDI NAGIGING HADLANG SA MGA KRIMEN AT KARAHASAN.

ANG OBJECTION DITO UMANO AY PARANG SINASABI NA ANG NAGKASALA AY ISANG BIKTIMA NG HUMAN RIGHTS SAMANTALANG ANG INOSENTENG BIKTIMA NAMAN AY MAY KARAPATAN DING DAPAT PANGALAGAAN, DAGDAG PA NG MAMBABATAS.