SINABI NI JOSON NA DAHIL SA PAGTAAS NG INFLATION RATE, ANG MGA PRODUCER AT MANUFACTURER AY KADALASANG NAGPAPATUPAD NA LAMANG NG MGA COST-CUTTING MEASURE SA KANILANG KUMPANTYA NA NAGRIRESULTA NG PAGBABA NG KALIDAD NG KANILANG MGA PRODUKTO.
AYON SA KANYA, ANG PAGDAMI NG MABABANG KALIDAD AT DI-LIGTAS NA MGA PRODUKTO SA PAMILIHAN LALU NA ANG MGA MARURUMI AT NAKALALASONG PAGKAIN, GAMOT AT MGA GAMIT AY NAGING BANTA SA KALIGTASAN AT BUHAY NG MGA MAMAMAYAN.
ANG SEGURADO AT MAGANDANG KALIDAD NG PAGKAIN, GAMOT AT MGA GAMIT PARA SA PROTEKSIYON AT KALUSUGAN NG MGA KONSIYUMER AY HAYAG NA NAKASAAD BILANG POLISIYA NG ESTADO, DAGDAG PA NG SOLON.
DAHIL DITO , MARAPAT LAMANG NA SIYASATIN ANG SEGURIDAD NG MGA PRODUKTO SA PAMILIHAN KUNG ITO AY SUMUSUNOD SA MGA HEALTH STANDARD AT MGA QUALITY MEASURE NG PAMAHALAAN.