Friday, August 22, 2008

PAGSASANAY PARA SA OLYMPIADA, DAPAT BAGUHIN

IMINUNGKAHI NI AN WARAY PARTY LIST REP FLORENCIO BEM NOEL SA PAMAHALAAN NA PAG-ARALAN KUNG DAPAT PA BANG MAGPADALA NG DELEGASYON SA SUSUSNOD NA OLYMPIC GAMES NA GAGANAPIN SA LONDON SA TAONG 2012.

ITO AY BUNSOD NA RIN SA NAPAKASAMANG KARANASAN NG MGA FILIPINONG ATLETANG DUMALO SA 29TH BEIJING OLYMPICS NITONG MGA NAKARAANG ARAW.

SINABI NI NOEL NA DAPAT NANG MAGPASYA ANG BANSA NA GUMAWA NG DRASTIKONG HAKBANG PARA REPORMAHIN ANG SEKTOR NG PALAKASAN MATAPOS ANG MALAMYANG PERFORMANCE NG MGA FILIPINONG ATLETA SA TATLONG MAGKASUNOD NA OLYMPICS.

AYON SA KANYA, PANAHON NA UMANONG TAYO AY MAGPASYA KUNG TAYO BA TALAGA AY LALAHOK SA MGA GANITONG PALIGSAHAN NA PALAGI NAMANG KULILAT SA LAHAT NG MGA EVENT.

IPINALIWANAG NIYA NA TIYAKIN MUNA NG PAMAHALAAN ANG KAHANDAAN NG DELEGASYON SA MGA GANITONG INTERNASYUNAL NA KOMPETISYON BAGO MAGPASYA ITO NA SUMABAK SA GANITONG MGA PALIGSAHAN.

MAGAGAWA UMANO ITO KUNG BAGUHIN ANG SISTEMA NG PAGLINANG SA KAKAYAHAN NG MGA ATLETA KUNG SAAN MAGSISIMULA ANG PAGSASANAY SA MURANG TAONG GULANG PA LAMANG ANG MGA ITO.