IPINAHAYAG KAHAPON NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES ANG KANYANG KOMPIYANSA NA MAAPRUBAHAN SA LALUNG MADALING PANAHON NG KONGRESO NG ESTADOS UNIDOS ANG VETERANS' BENEFITS ENHANCEMENT ACT (VBEA) OF 2007 NA SIYANG MAGGAGAWAD NG MGA BENEPISYO SA FILIPINO WORLD WAR II VETERANS NA NANINIRAHAN SA PILIPINAS.
SINABI NI SPEAKER NOGRALES NA PANAHON NA UMANO UPANG KILALANIN ANG MGA SAKRIPISYO NG ATING MGA BETERANO NOONG NAKARAANG DIGMAANG PANDAIGDIGAN.
MAGUGUNITANG INAPRUBAHAN NA NG SENADO NG AMERIKA ANG NATURANG PANUKALA AT ITO NAMAN AY NAGHIHINTAY NA LAMANG NG PAGSUSOG NG US HOUSE OF REPRESENTATIVES SA DARATING NA MGA ARAW PARA IHANDANG LAGDAAN NA NI US PRESIDENT GEORGE BUSH UPANG MAGING GANAP NA NA BATAS.
LAYUNIN NG PANUKALA NA PALAWAKIN ANG HEALTH, EDUCATION, HOUSING AT PENSION BENEFITS NG MGA BETERANONG AMERIKANO AT KASAMA NA RIN DITO ANG PROBISYON NA MAGBIBIGAY NG BUWANANG US$300 NON-SERVICE DISABILITY SA MGA SURVIVING MEMBERS NG PHILIPPINE SCOUTS AT UNITED STATES FORCES IN THE FAR EAST (USAFE) NA NANINIRAHAN SA PILIPINAS.
TINUKOY DIN NI NOGRALES ANG APELANG GINAWA NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO SA AMERICAN CONGRESS SA KATATAPOS LAMANG NA STATE VISIT NITO SA AMERIKA BILANG ISANG MALAKING BAHAGI AT DAHILAN PARA SA PAGKAKAPASA NG NABANGGIT NA PANUKALA SA US CONGRESS.