Wednesday, July 30, 2008

SASAKYANG HINDI GUMAGAMIT NG LANGIS, ITAX-EXEMPT

ITINULAK KAHAPON NG DALAWANG MGA MABABATAS MAGMULA SA MINDANO ANG PAGKAKAPASA NG PANUKALANG MAGI-EXEMPT SA MGA INDIBIDWAL AT MGA KURPORASYON SA PAGBAYAD NG DUTIES AT BUWIS SA IMORTASYON NG HYBRID VEHICLES AT MGA SASAKYANG TUMATAKBO NA GUMAGAMIT NG TINATAWAG NA COMPRESSED NATURAL GAS (CNG).

SINABI NINA HOUSE SPEAKER PROPERO NOGRALES AT AGUSAN DEL SUR REP RODOLFO PLAZA NA NAPAPANAHON NANG ANG MGA FILIPINO AY LUMIPAT NA TUNGO SA PAGGAMIT NG HYBRID O FUEL SAVING NA MGA SASAKYAN UPANG MATULUNGAN NAMAN ANG MGA HAKBANGING MAIANGAT ANG PAGGAMIT NG CNG.

AYON KAY PLAZA, DAHIL HINDI NATIN MAAARING SALUNGATIN ANG PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN, MARAPAT NA BAWASAN NA LAMANG NATIN ANG ATING PAGIGING DEPENDENT SA IMPORTED FUEL HABANG MAIANGAT DIN NAMAN NATIN ANG PAGGAMIT NATIN NG ALTERNATIBONG ENERHIYA PARA SA KAUNLARAN.

INIHAIN NINA NOGRALES AT PLAZA KAHAPON ANG RESOLUSYON NA MAGUUTOS SA MGA COMMITTEE ON WAYS AND MEANS, SCIENCE AND TECHNOLOGY AT TRADE AND INDUSTRY NA MAGSAGAWA NG MAGKASANIB NA PAGDINIG UPANG MATUKOY ANG MGA PANUKALANG MAGPAPAIBAYO NG DEVELOPMENT AT PAGGAMIT NG HYBRID AT KAHALINTULAD NA MGA FUEL-SAVING AT ENVIRONEMNT-FRIENDLY NA MGA SASAKYAN AT EQUIPMENT SA ATING BANSA.

SAMANTALA, UMAPELA NAMAN SI NOGRALES SA MGA NANGUNGUNANG KUMPANYANG LANGIS NA BAWASAN NAMAN NILA ANG KANILANG MGA TARGET SA GANANSIYA AT ISAISIP NILA ANG KANILANG MGA CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILIES UPANG MATULUNGAN ANG MGA MAMAMAYAN NA WALA NANG MAGAWA KUNDI AY TANGKILIKIN NA LAMANG SILA.