IPAGBABAWAL NA ANG PAGBEBENTA O PAGPAPARENTA NG MGA MARARAHAS NA VIDEO GAMES SA MGA MINOR-DE-EDAD PARA MAPROTEKTAHAN ANG MGA ITO SA POSIBLENG PAGKALIGAW NG KANILANG MGA LANDAS.
ITO ANG LAYUNIN NG PANUKALANG BATAS NA INIHAIN, ANG HB04095, NI ARC REP NARCISO SANTIAGO III NANG KANYANG SINABI NA NAIS NIYANG MAIPABILANGGO NG HINDI BABABA SA ISANG TAON O MULTANG HINDI HIHIGIT SA P100,000 ANG SINUMANG LALABAG SA BATAS.
SINABI NI SANTIAGO NA BASE UMANO SA MGA PINAKABAGONG PAGAARAL, KARANIWANG NAGING BAYOLENTE SA KANILANG PAGLAKI ANG MGA KABATAANG NAHUHUMALING SA MARAHAS NA VIDEO GAMES.
IPINALIWANAG NI SANTIAGO NA IKOKONSIDERANG VIOLENT VIDOE GAME ANG ISANG LARO KUNG NAGTAMPOK ITO NG TAO-SA-TAONG KARAHASAN KUNG SAAN NAGPAPATAYAN ANG MGA MANLALARO, SERYOSONG PISIKAL NA SINASAKYTAN AT MGA KATULAD.
AYON SA KANYA, WALA NAMAN TALAGANG SERYOSONG LITERACY, ARTISTIC, POLITICAL AT SCIENTIFIC VALUE UMANO PARA SA MGA BATA AT MGA KARANIWANG TAO ANG IDINUDULOT NG MGA GANITONG VIDEO GAMES NGUNIT ITO AY MAY MALAKAS NA HATAK SA KANILANG KAHINDIKHINDIK NA INTERES SA KARAHASAN.
NANAWAGAN SI SANTIAGO SA KANYANG MGA KASAMAHANG MAMBABATAS NA AGARANG AKSIYUNAN NG MGA ITO ANG KANYANG PANUKALANG BATAS.