NANAWAGAN KAHAPON ANG MGA IILANG MGA MAMBABATAS SA MGA KRITIKO NI PANGULONG GLORIA MACAPAGALA-ARROYO NA HUWAG AGARANG HUSGAHAN ANG NILALAMAN NG IKA-WALONG STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) NITO NGAYONG HAPON NA IPAPAHAYAG SA KAMARA DE REPRESENTANTES.
SA PANGUNGUNA NI SENIOR HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER AT MANDALUYONG CITY REP. NEPTALI “BOYET” GONZALES II, SINABI NITONG MAHALAGA ANG SONA NG PANGULO DAHIL TATALAKAYIN NITO ANG MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN PARA LABANAN ANG KRISIS NA DULOT NG MAHAL NA PAGKAIN AT MGA PRODUKTONG PETROLYO.
NANINIWALA NAMAN SI PALAWAN REP. ANTONIO ALVAREZ, CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON TRADE AND INDUSTRY, NA KARAPAT-DAPAT NA PAKINGGAN ANG SONA NI PANGULONG ARROYO LALO’T PAGRESOLBA SA MGA PROBLEMA NG BANSA ANG TATALAKAYIN DITO.
SINABI RIN NI ORIENTAL MINDORO REP. RODOLFO VALENCIA , CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT, NA HINDI MAKATWIRANG TATALIKURAN NA LAMANG NG MGA KRITIKO ANG APELA NI PANGULONG ARROYO PARA SA PAMBANSANG PAGKAKAISA.