Friday, July 04, 2008

'GHOST SURGERIES,' IPAGBABAWAL NA

IPAGBABAWAL NA ANG GAWAING 'GHOST SURGERY' NG MGA MEDICAL DOCTORS SA BUONG BANSA KUNG SAAN ANG ISANG SURGEON O DOKTOR AY PUMAPAYAG NA IBANG DOKTOR ANG MAGSAGAWA NG OPERASYON SA PASYENTE NA HINDI MAN LAMANG NAIMPORMAHAN ANG NAHULI NA IBA NA ANG MAGSASAGAWA SA KANYA NG MEDICAL PROCEDURE.

SA PANUKALA NI CAMARINES SUR REP LUIS VILLAFUERTE, ANG HB04181, LAYUNIN NITONG MAG-ESTABLISA NG MGA PAMATAYAN UPANG MAPROTEKTAHAN ANG MGA PASIYENTE SA ANUMANG ETHICAL, LEGAL, QUESTIONABLE AT PELIGROSONG GAWAING 'GHOST SURGERY.'

SINABI NI VILLAFUERTE NA MAY MGA KASO UMANONG ANG PASYENTE AY WALANG ALAM O HINDI MAN LAMANG NAKITA O NAKILALA ANG MAGING KAHALILI O YAONG TINATAWAG NA SURROGATE SURGEON AT MALAMAN NA LAMANG NITO NA IBA NA ANG NAGSAGAWA NG PROCEDURE SA KANYA MATAPOS ANG PALITAN NG DOKTOR.

AYON KAY VILLAFUERTE, ANG INTENSIYONAL NA PAGLINLANG NG PASIYENTE TUNGKOL SA PAGKAKAKILANLAN NG SURGEON NITO AT NI WALA MAN LAMANG PERMISONG NATAMO GALING SA KANYA AY ISANG PAGLABAG SA KARAPATAN NG PASYENTE NA DAPAT PANAGUTAN NG MGA MAYSALA.

ANG SUBSTITUTION AY MAAARI LAMANG UMANONG MANGYARI SA MGA LARONG BASKETBALL O SA ANUPAMANG MGA SPORTING ACTIVITY NGUNIT HINDI DAPAT GAWIN SA PRACTICE NG MEDISINA, AYON PA SA KANYA.

ANG SURGEON, DAGDAG PA NG MAMBABATAS, AY HINDI DAPAT MAG-DELEGATE SA IBANG DOKTOR NG KANYANG DUTIES NA NANGANGAILANGAN NA PERSONALLY AY KANYANG ISASAGAWA.