IPINANUKALA NI PARTYLIST AMIN REP MUJIV HATAMAN NA DAPAT PANTAY-PANTAY ANG PAGTINGIN SA BAWAT FILIPINO, MUSLIM MAN O KRISTIYANO SA USAPIN NG TRABAHO, EDUKASYON AT IBA PANG MAHAHALAGANG LARANGAN AT GAWIN NANG ISANG KREMIN ANG PATULOY AT GARAPALANG DISKRIMINASYON SA MUSLIM SA BANSA.
ANG PATULOY NA KAGAWIANG DISKRIMINASYON SA MGA TAONG MORO AY HINDI UMANO MAKATARUNGAN, AYON PA KAY HATAMAN, AT SA GITNA NITO, HINDI MAN LAMANG NAGING PRAYORIDAD ANG ISYU PARA SA ATING MGA OPISYAL SA PAMAHALAAN AT SA ATING MGA MAMABABATAS.
SINABI NI HATAMAN, ISANG NATIBONG YAKAN SA BASILAN, NA MAGING SA MINDANAO AY NAKAKARANAS NG DISKRIMINASYON ANG MGA MUSLIM KAYA DAPAT MAISABATAS NA ANG ANTI-DISCRIMINATION BILL.
IDINAGDAG PA NI HATAMAN NA ANG DISKRIMINASYON SA USAPING EDUKASYON, ACCESS SA CREDIT AT PUBLIC TRANSPORT, EMPLOYMENT, ACCOMMODATION, AT BASIC SERVICES AY MATAGAL NANG PINAGDUSAHAN LALU NA NG MGA MORO, ANG MGA NATIBONG AYON SA KASAYSAYAN AY MATAGAL NANG NANIRAHAN SA MINDANAO, PALAWAN AT SULU, NA KARAMIHAN AY MAY ISLAMIC NA PANANAMPALATAYA.
KABILANG SA PANGUNAHING ETHNIC GROUPS NG MUSLIM ANG MARANAO, MAGUINDANAO, TAUSUG, TAKAN AT IRANON.